Connect with us

Aklan News

LALAKING NANG-AGAW NG CELLPHONE NG NAG-I-‘ML’ NA KAINUMAN, SINAKSAK

Published

on

Nahaharap sa kasong Frustrated Homicide ang isang lalaki matapos nitong saksakin ang kainuman kahapon ng hapon sa Laguinbanwa East, Numancia makaraang agawin ng biktima ang cellphone ng suspek habang naglalaro ito ng mobile legend.
Nakilala ang suspek na si Michelle Joy Villanueva, 30 anyos, at ang biktimang ginagamot pa ngayon sa ospital na si Jude Tejada, 43 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.
Base sa imbestigasyon ng Numancia PNP, nag-iinuman noon ang biktima, ang suspek at tatlo pa nilang kasama, nang mangyari ang pang-aagaw ng cellphone.
Dahil dito, napikon umano si Villanueva, na kaagad namang umuwi at kumuha ng patalim sa kanilang bahay.
Agad din itong bumalik at sinaksak sa batok at iba pang parte ng katawan ang nakaupong si Tejada.
Kaagad siyang dinala sa ospital sanhi ng mga tinamong sugat, habang kusa namang sumuko sa Numancia PNP Station si Villanueva, dala ang ginamit na patalim.
Pansamantala siyang nasa piitan ng Numancia PNP Station at inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa kanya.