Connect with us

Aklan News

LALAKING NAKAMOTOR, NAHULIHAN NG BARIL

Published

on

Nabas – Kalaboso ang isang lalaking nagmomotorsiklo matapos umanong mahulihan ng baril alas 11:40 kagabi sa Unidos, Nabas.

Kinilala ng Nabas PNP ang suspek na si Jophil Danay, 27 anyos ng Laserna, Nabas.

Base sa report ng Nabas PNP, nagpapatrolya umano sila kagabi nang madaanan nila ang nagmomotorsiklong si Danay, rason na kanilang pinara at sinita dahil naroon pa siya sa labas kahit may curfew.

Huminto umano ang suspek, subalit nakita umano ng mga pulis na may baril siya sa bewang nito, rason na hinanapan siya ng mga kaukulang dokumento.

Wala umano itong naipakita, kung kaya’t kinumpiska ito ng mga pulis at napag-alaman na isa palang caliber .38 na may 5 bala.

Kasunod nito, kaagad siyang inaresto at ikinustodiya sa Nabas PNP Station habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunitions na isasampa laban sa kanya.