Connect with us

Aklan News

LALAKING NAGNANAKAW SA ISANG KOTSE, ARESTADO, SUSPEK NAHULIHAN PA NG PATALIM

Published

on

Arestado ang isang lalaki matapos umanong magnakaw sa loob ng isang kotseng nakaparada sa bahagi M. Laserna St., Poblacion, Kalibo.

Nakilala ang suspek na nahulihan pa ng patalim na si Uziel Solanoy, 29 anyos ng Dongon East, Numancia.

Nakilala naman sa report ng Kalibo PNP ang may-ari ng kotse na si Ronar Saplan Marte, 58 anyos ng Poblacion, Kalibo.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, naiwang bukas ng biktima ang bintana ng kotse, na naging pagkakataon naman sa suspek na nakawin ang sling bag nito doon.

Mapalad namang may nakakita sa suspek at ipinagbigay alam kay Marte, kung kaya’t kaagad niya itong hinabol kasama ng ilang residente sa lugar hanggang sa bahagi ng Pastrana St. kung saan siya nakorner.

Narekober naman ang sling bag na naglalaman ng 2 wallet at cellphone ng biktima.

Pansamantala siyang ikonostodiya sa Kalibo PNP station habang inihahanda ang karampatang kaso na isasampa laban sa kanya.