Categories: Aklan News

LALAKING NAGMOMOTORSIKLO, TINAGA SA LIKOD

Sugatan ang isang lalaking nagmomotorsiklo matapos tagain mag-a-alas 3:00 kaninang hapon sa Guadalupe, Libacao.

Nakilala ang biktimang si Jonard Apolinario, 26-anyos, habang nakilala naman ang suspek na si Jonel Zemato, 28-anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagmo-motorsiklo noon ang biktima kasama ang isang pasahero nang parahin ng nakisakay na suspek.

Pagdating sa madulas na kalsada, pinababa umano sila ng biktima sa motorsiklo kung saan tumalima naman ang isa nitong sakay.

Subalit bigla na lamang umanong bumunot ng kanyang itak ang suspek at tinaga sa likod ang biktima at kaagad tumakas.

Kaagad namang dinala sa Libacao Hospital si Apolinario, habang nabatid na sumuko kinalaunan sa Madalag PNP Station si Zemato kung saan siya naka kostodiya ngayon para sa karampatang disposisyon.

Sinabi naman ng Libacao PNP na may dati na umanong alitan ang dalawa bago paman nangyari ang pananaga.

Share
Malbert Dalida

Recent Posts

  • Aklan News

Traysicle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

1 hour ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

1 hour ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

4 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

4 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

4 days ago