Connect with us

Aklan News

LALAKING NAGBIBENTA UMANO NG MARIJUANA, TIMBOG SA BUY BUST

Published

on

Arestado pasado alas 4:00 nitong hapon sa buy bust operation sa Pook, Kalibo ang isang lalaking nagbibenta umano ng Marijuana.

Nakilala ang suspek na si Jerald Esmarald ‘alyas Budoy’, 27 anyos ng Crossing New Buswang, Kalibo.


Narekober mula sa suspek ang 1 sachet ng pinatuyong dahon ng pinaghihinalaang Marijuana, kapalit ng P500.00 na buy bust money.

Sa isinagawang body search sa suspek, narekober din ang isa pang sachet ng nasabing droga at perang nasa P5,000.00 na pambili umano nito ng mga feeds sa mga alaga niyang baboy.

Pansamantala siyang ikinustodiya sa Kalibo PNP Station habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Illegal Drugs law na isasampa laban sa kanya.

Itinanggi naman ng suspek ang narekober na mga droga.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *