Categories: Aklan News

LALAKING NAGBEBENTA UMANO NG SHABU, TIKLO SA BUY BUST OPS

Arestado ang isang lalaki matapos umanong mahulihan ng ilegal na droga sa ikinasang buy bust operation alas 10:30 sa Sitio San Vicente, Tigayon, Kalibo.

Nakilala ang naarestong si Jude Pineda, 31 anyos ng Sitio San Roque, ng nasabing barangay.

Sa nasabing buy bust operation, narekober ng mga operatiba ang 1 sachet ng suspected shabu kapalit ng P7,000.00 na buy bust money, habang 9 na sachet pa umano nito ang narekober nang isagawa ang body search sa kanya , pati na ang kanyang cellphone.

Kasunod nito, kaagad siyang dinala sa Kalibo PNP Station para idokumento, at dinala kinalaunan sa Iloilo Crime Lab para i drug test.

Isasailalim din doon sa laboratory test ang mga narekober na hinihinalang droga.

Nahaharap naman sa kasong pagalabag ss Section 5 at 6 ng RA 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002 ang nasabing suspek, na naaresto sa joint operation ng PDEA, PDEU at Kalibo PNP.

Share
Malbert Dalida

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

13 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

2 days ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

2 days ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

6 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

6 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

6 days ago