Connect with us

Aklan News

LALAKING NAG-POST SA FACEBOOK KONTRA KAY PRESIDENT DUTERTE, SINAMPAHAN NA NG KASO

Published

on

Sinampahan na ng kasong Inciting to Sedition under Article 142 of Revised Penal Code as amended by Sec. 6 of RA 10175 ang lalaking nagpost sa kanyang social media account.

Matatandaang nakilala ang suspek na si Ronald Deliaba Quiboyen, 40 anyos, habal-habal driver at dating construction worker na tubong Zamboanga Sibugay at kasalukuyang nangungupahan sa Sitio Hagdan Brgy. Yapak, Boracay, Malay, Aklan.

Inaresto kagabi dakong alas 7:00 nina Pssgt. Juno Gregorio at Patrol Man Doremon sa mismong tinitirahan ang suspek.

Kaugnay nito itinurn-over sa CIDG Aklan ang suspek matapos mag-post sa Facebook na magbibigay ng 100 million sa kung sino man ang makakapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaninang umaga dinala na si Quiboyen sa Aklan Provincial Prosecutors Office para sa karampatang kasong isasampa rito.