Connect with us

Aklan News

LALAKING NAG DIVE SA SWIMMING POOL, PATAY

Published

on

Batan – Dead on arrival sa Altavas Hospital ang isang lalaki matapos umanong mag dive sa 5 talampakang swimming pool sa isang beach resort sa Napti, Batan.

Nakilala ang biktimang si Gabriel Patricio, 71 anyos ng Pangabuan, Jamindan, Capiz.


Ayon sa Batan PNP, bandang alas 11:00 kahapon ng umaga nangyari ang insidente, subalit kahapon alas 4:00 lamang ng hapon naireport sa kanila ng pamunuan ng resort.

Napag-alamang nagdive ang biktima sa 5 talampakang lalim na swimming pool mula sa diving board, subalit lumutang umano ito ilang segundo ang nakalipas.

Kasunod nito, napansin na lamang umano ng life guard at kasama ng biktima na wala itong malay habang may nakita umano ang mga itong dugo sa tubig sa palibot ng ulo ng biktima.

Kaagad umano nila itong inihaon mula sa tubig upang mabigyan ng pangunang lunas hanggang sa dumating ang mga taga MDRRMO Batan.

Samantala, kaagad ding iniuwi ng kanyang pamilya ang biktima sa Jamindan, Capiz.

Nakipag-ugnayan ang Radyo Todo sa pamilya ng biktima, subalit tumanggi ang mga itong magbigay ng pahayag.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *