Connect with us

Aklan News

LALAKING BIKTIMA NG PAMAMARIL SA PALAISDAAN, PATAY

Published

on

Malay – Patay ang isang lalaking biktima umano ng pamamaril bandang alas 2:00 kaninang hapon sa Sitio Laguna, Caticlan, Malay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Malay PNP-Caticlan Substation, nakilala ang biktimang si Ronel John Eliseo, 31 anyos ng nasabing lugar, habang nakilala naman ang suspek na si Darry Intanado, 35 anyos na tubong Marcelo, Calatraba, Negros Occidental.


Base pa sa imbestigasyon, pumasok sa palaisdaan ang biktima at ilang kasama para manguha ng pang pain sa kanilang pamimingwit.

Maya-maya pa, nakita umano nila ang suspek na may hawak na baril at pinaputukan sila, rason na mabilis silang nagtakbuhan.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente.

-Developing story

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *