Connect with us

Aklan News

Lalaking magnanakaw, kalaboso

Published

on

File photo/ Radyo Todo Aklan

Boracay – Tiklo ang isang lalaki matapos magnakaw ng cellphone ala-1:40 ng hapon noong sabado sa Station 2, Brgy. Balabag, Boracay.

Nakilala ang suspek na si Anthony John Saraza Dela Cruz, 20 anyos, residente ng Jaro, Ilo-Ilo City.


Samantala nakilala naman ang biktima na si Reymart Caldo Cruz, 29 anyos, residente ng Brgy. Alapan, Cavite at kasalukuyang nakatira sa isang Resort sa nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Malay Pnp habang ang biktima ay nasa harap ng isang kainan sa nasabing lugar ay inilagay umano nito ang kanyang cellphone sa tabi ng kanyang sandals at iniwan nya ito para kumuha ng litrato sa front beach.

Nagkunwari din umanong kumukuha ng litrato ang suspek at biglang kinuha ang cellphone ng biktima sabay karipas ng takbo papuntang Station 3.

Subalit,nahuli ito ng mga tumatambay sa lugar at pinagtulungang suntukin ito.

Nakuha sa posisyon ng suspek ang cellphone na ninakaw nito.

Base kay Patrolman Santi Harlok imbestigador ng kaso, pinakawalan si Dela Cruz, dahil sa walang balak ang biktimang magsampa ng kaso.

Program/Beat: Reporter/Boracay
Years/background in Media works: 10 years
Why chose this profession: Passion
Principle in life: “Do what You Love...

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *