Connect with us

Aklan News

LALAKING LASING, NAHULIHAN NG BARIL BORACAY

Published

on

Kalaboso ang isang lalaki matapos mahulihan ng baril kahapon sa sitio Cagban, Manocmanoc, Boracay, Malay, Aklan.

Nakilala ang suspek na si Pamelo Custodio, 40 anyos, tubong Pres. Roxas Capiz at pansamantalang nakatira sa nasabing lugar.


Inaresto ang suspek matapos na makatanggap ng report ang Boracay PNP na merong nagwawala sa nasabing lugar.

Pagdating ng rumespondeng mga pulis nakita ang suspek na nakatayo sa harap ng isang barracks kaya agad itong nilapitan nila Pat. Vicente at Pat. Casa at agad napansin na may sukbit itong baril sa kanyang baywang.

Narekober sa suspek ang isang 38 revolver na may anim na bala.

Wala itong maipakitang dukomento ng nasabing baril kaya agad itong inaresto ng mga pulis.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang nasabing suspek na ngayon ay nakakulong na sa Boracay PNP.

Program/Beat: Reporter/Boracay
Years/background in Media works: 10 years
Why chose this profession: Passion
Principle in life: “Do what You Love...

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *