Connect with us

Aklan News

Lalaki tinatad ng taga sa Maayon, Capiz, patay; mga suspek tatlong kapatid

Published

on

Patay ang isang lalaki sa Brgy. Maalan, Maayon, Capiz matapos tadtarin ng taga. Ang mga itinuturong suspek tatlo niyang mga nakababatang kapatid.

Kinilala sa ulat ng Maayon PNP ang biktima na si Roger Buluntad, 43-anyos, residente ng nasabing lugar.


Kinilala naman ang mga suspek na sina PJ, 33; Fernando, 27; at Ralph, mga residente ng Brgy. Manayupit, Maayon.

Batay sa paunanag imbestigasyon ng kapulisan binanggaan umano ng mga suspek ang biktima habang sakay sa motorsiklo kasama ang asawa at tatlong mga anak.

Tinaga umano ni PJ ang kuya na tumama sa ulo. Sinundan pa ito ng mga taga sa iba-iba pang bahagi ng katawan.

Nagmakaawa pa umano ang mga anak sa suspek na huwag patayin ang ama pero baliwala lang ito sa mga suspek.

Mabilis na tumakas ang mga suspek habang isinugod naman sa Bailan District Hospital ang biktima pero dineklara itong dead on arrival.

Tinutugis na ng kapulisan ang mga suspek.

Ang tinitingnang motibo, away sa lupa.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *