Categories: Aklan News

Lalaki, tinaga sa ulo ng katrabaho sa isang furniture shop

Nagtamo ng sugat sa ulo ang isang lalaki makaraang tagain ng kanyang katrabaho sa Brgy. Camanci Norte, Numancia kaninang alas-12:45 ng madaling araw.

Ayon kay PMSgt. Felizardo Navarra, magkasamang nag-iinuman ang biktima at ang suspek sa bodega ng pinagtatrabahuhan nilang furniture shop nang mangyari ang insidente.

Kinilala ang biktimang si Reden Casimero, 34 anyos, ng San Jose, Romblon at ang suspek na si Russel Salinas, sa legal na edad, taga Iloilo.

Nagtalo at nagkainitan umano ang dalawa hanggang sa kumuha ang suspek ng patalim at tinaga ang biktima.

Dinala sa ospital ang biktima at tumakas naman ang suspek sakay ng motor papuntang Iloilo pero nadakip ito sa check-point ng Altavas PNP.

Depensa ng suspek, sinuntok siya ng biktima kaya tinaga niya ito.

Hindi na rin daw niya maalala kung ano ang nangyari at saan tinamaan ang biktima.

Kasong frustrated homicide ang posibleng kaharapin ng suspek na pansamantala munang ikinustodiya ng kapulisan.

Share
TMS

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

5 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

1 day ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

1 day ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

5 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

5 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

5 days ago