Connect with us

Aklan News

LALAKI, TINAGA-PATAY NG KAINUMAN

Published

on

Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagtatagain ng mismong kainuman bandang alas 11:00 kagabi sa Tibiawan, Makato.

Nakilala ang biktimang si Zoi Taladro, 36 anyos habang arestado naman ang suspek na si Arnold Temporaza, 29 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Makato PNP, magkasamang nag-inuman ang dalawa sa bahay ng lolo ng suspek hanggang sa maubos ang kanilang iniinom na alak.

Kinalaunan, niyaya umano ng suspek ang biktima na mag-inuman pa sa kanilang bahay kung saan sumama naman umano ang biktima.

Kinalaunan, nagtalo umano ang dalawa sa hindi pa matukoy na dahilan hanggang sa pinagtataga na nito ang biktima sa leeg, dibdib, tiyan at iba pang parte ng katawan.

Ayon naman kay Alfredo Temporaza, kagawad ng Tibiawan, posibleng ang dalang bolo o itak mismo ng biktima ang ginamit ng suspek sa pagtaga sa biktima dahil sa mga nakitang bakas ng dugo.

Samantala, sinabi pa ni kagawad na kaagad naglakad pabalik sa bahay ng kanyang lolo ang suspek at nagsumbong sa insidente kung kaya’t hinatid nila ang suspek sa Makato PNP station kasama si Kapitan Henry Olid, habang naiwan doon na wala nang buhay sa bahay ng suspek ang biktima.

Nagpapatuloy pa ang imbistigasyon sa insidente.
-Developing story

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *