Connect with us

Aklan News

LALAKI, TINAGA NG LASING

Published

on

Kalibo – Sugatan ang isang lalaki  matapos umanong tagain ng lasing bandang alas 7:30 Sabado ng gabi sa Bakhaw Norte, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Edward Ibañez, 46 anyos, habang kaagad ring naaresto ang suspek na si Randy Gabayno, 44 anyos, pawang residente ng nasabing lugar


Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, naglalakad pauwi galing sa bahay ng kanyang biyenan ang biktima nang makasalubong umano nito ang suspek na lasing at may dalang itak.

Saglit umanong nag-usap ang dalawa, subalit bigla na lamang tinaga ng suspek ang biktima sa hindi nalamang dahilan.

Nakailag umano ang biktima at tumumba sa kalsada, subalit muli siyang tinaga ng suspek sa kaliwang paa.

Isinugod sa pribadong ospital ang biktima habang pansamantalang nasa piitan ng Kalibo PNP Station ang arestadong suspek.

Depensa naman ng suspek na tinambangan siya ng grupo ng biktima habang naglalakad at may hinampas sa kanyang ulo.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *