Connect with us

Aklan News

LALAKI, TINAGA NG LASING

Published

on

Photo: Google Map

Makato – Sugatan at ginagamot pa ngayon sa ospital ang isang lalaki matapos umanong tagain ng lasing pasado alas 5:00 kahapon ng hapon sa Tibiawan, Makato.

Nakilala ang biktimang si Joselo Taborda, 48 anyos, habang arestado naman ang suspek na si Julius Ordoyo, 32 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng pulis, nasa impluwensiya umano noon ng alak ang suspek nang sugurin nito sa kanyang bahay ang biktima.

Nagkataon namang wala doon ang biktima, kung kaya’t hinintay niya ang pagdating nito, nang makita niya ang gulok ng biktima sa hagdan.

Kinalaunan, dumating ang biktima at doon na umano niya tinaga sa ulo.

Suwerte namang hindi malubha ang sugat ng biktima na kaagad namang nakalabas ng ospital matapos gamutin.

Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng Makato PNP Station ang suspek habang inihahanda ang kasong Frustrated Homicide na isasampa laban sa kanya.

Advertisement

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.