Categories: Aklan News

LALAKI, TINAGA NG DATING KAALITAN

Sugatan ang isang lalaki matapos tagain alas 8:30 kagabi sa Sitio Centro, Ambolong, Batan ng dati rin nitong kaalitan.

Sa report ng Batan PNP, sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktimang si Loniel Bautista, 61 anyos ng nasabing lugar, nang tagain ng suspek na si Archie Laurente, 30 anyos ng Lupit, Batan.

Base sa imbestigasyon ng pulis, nag-iinuman noon ang biktima kasama ang ilang kalalakihan, nang marinig umano nila mula sa kalsada ang suspek na nagsisisigaw.

Dahil dito, minarapat umano ng biktima na umuwi, na sinundan naman ng ilan sa kanyang kainuman lalo pa’t alam umano nila na dati nang nagkaalitan ang dalawa.

Samantala, sinasabing iniwas naman ng ilang residente doon ang suspek sa biktima, subali’t hinamon umano niya ito na bumalik.

Nang makita ng biktima ang papalapit na kaaway, kumuha ito ng kahoy at dinaluhong para hampasin, rason naman na pinagtataga sjya nito sa braso at iba pang parte ng katawan.

Isinugod sa ospital si ang biktima habang naaresto naman ang suspek sa manhunt operation ng mga pulis, alas 9:30 kagabi.

Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Batan PNP para sa karampatang disposisyon.

Share
Malbert Dalida

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

20 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

2 days ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

2 days ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

6 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

6 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

6 days ago