Connect with us

Aklan News

LALAKI, TIKLO SA DRUG BUY BUST OPERATION

Published

on

drug bust image

Numancia — Huli sa isang drug buy-bust operation ang isang 27 anyos na lalaki kaninang mga alas 5:20 ng hapon sa Purok 2, Brgy. Navitas, Numancia, Aklan.

Kinilala ang suspek na si Johnly Yapindon at residente din ng nasabing lugar.


Nahuli ang Suspek sa isang joint operation ng Numancia PNP, PDEA, PDEU sa pangunguna ni PMaj Frency Andrade.

Nakuha kay Yapindon ang dalawang sachet ng suspected dried leaves Marijuana, P500 buybust money, isang P1000, dalawang P200, pitong tag 20 pesos, isang Cellphone at isang Kawasaki Fury 125 na motorsiklo.

Maaalala na nahuli rin ang suspek sa isa ring buybust operation sa nasabi ding lugar noong nakaraang taon.

Pansamantala siyang ikinustodiya sa Numancia PNP at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.