Connect with us

Aklan News

LALAKI, SUGATAN MATAPOS SAKSAKIN NG BAYAW; SUSPEK, TINAGA RIN NG BIKTIMA

Published

on

Kapwa nagpapagaling sa ospital ang dalawang magbayaw matapos masugatan sanhi ng kanilang away pasado alas 5:00 nitong nakaraang Sabado sa Sitio Buta, Cortes, Balete.

Nakilala ang sinaksak na bayaw na si Elpidio Quadrante, 63 anyos at ang suspek na kanya naman umanong tinaga na si Ildefonso Marcelino, 60 anyos, pawang residente ng nasabing lugar.


Base sa imbestigasyon ng Balete PNP, unang nagkita ang magbayaw sa isang sari-sari store kung saan sinasabing pinahiya ni Marcelino sa mga tao doon si Quadrante tungkol sa kinuha umano nitong uling.

Kapwa naman umano umalis kinalaunan ang dalawa, subalit dumaan muna sa kanyang kalabaw si Quadrante at napadaan naman doon si Marcelino.

Kasunod nito, nilapitan at kinumpronta umano ni Quadrante si Marcelino tungkol sa pambibentang nito sa kanya sa labas ng tindahan.

Ilang saglit pa, binalikan naman ni Quadrante ang kalabaw, subalit sinaksak umano siya sa likod ng suspek.

Hindi naman nagpatalo si Quadrante at tinaga nito ang kanyang bayaw.

Sanhi nito, kapwa nagtamo ng sugat sa katawan ang dalawa at dinala sa ospital.

Samantala, kinumpirma naman ng Balete PNP na hindi interesadong magsampa ng reklamo si Quadrante sa kanyang bayaw.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *