Connect with us

Aklan News

LALAKI, SINAKSAK, SUSPEK SUMUKO

Published

on

Sugat sa likod at tiyan ang tinamo ng isang lalaki matapos saksakin bandang alas 10:00 kagabi sa Poblacion, Makato.

Nakilala ang biktimang si Dario Rose De Pedro, 28 anyos, tubong Dalipdip, Altavas at residente ngayon ng Poblacion, Makato, habang sumuko naman sa Makato PNP Station ang suspek na si Rommel Tayco Barientos, 24 anyos ng Poblacion, Makato.


Base sa inisyal na imbestigasyon ng Makato PNP, galing sa magkahiwalay na inuman ang parehong nasa impluwensiya ng alak na biktima at suspek nang magkita sa daan.

Nagdiskusyon umano ang mga ito sa hindi nalamang dahilan, at bigla na lamang sinaksak ng suspek ang biktima.

Kaagad dinala ng mga pulis sa ospital ang biktima, at naabutan na lamang sa kanilang pagbalik sa estasyon ang sumukong suspek.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *