Connect with us

Aklan News

Lalaki sinaksak ng kanyang nakatatandang kapatid

Published

on

By

Nauwi sa saksakan ang simpleng away lamang ng magkapatid alas 6 kagabi sa Sitio Pudlon, Mabilo, Kalibo.

Kinilala ang biktima na si Rudolf Luntoc, 31 anyos ng nasabing lugar.

Napag-alaman na lasing si Rudolf na nagpapahinga sa loob ng kanilang bahay subalit naistorbo ito dahil sa ingay sa labas ng kanilang bahay   kung saan may kausap ang kanyang nakatatandang  kapatid.

Dahil dito sinigawan ng biktima ang kanyang kapatid na ikinagalit ng suspek.

Nag suntukan pa ang dalawa hanggang sa nakakuha ng kutsilyo ang suspek at sinaksak si Rudolf sa kanyang tagiliran at kamay.

Sa ngayon ay patuloy na gina gamot sa Provincial Hospital ang biktima at nag disisyon naman ang pamilya na hindi na sasampahan ng kaso ang suspek.