Categories: Aklan News

LALAKI, SINAKSAK NG KAINUMANG DATI NIYA RING NAKAALITAN, SUSPEK ARESTADO

Sugatan ang isang lalaki matapos umanong saksakin ng kainumang dati niya ring kaalitan bandang alas 9:00 kagabi sa Rosario,.Malinao.

Nakilala ang biktimang si Allan Milano, 43 anyos, habang arestado naman ang suspek na si John Rey Retilba, 42 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Sa paunang imbestigasyon ng pulis, pauwi na noon ang biktima nang mapadaan sa bahay ng suspek na nagkataong may mga kainuman din.

Sinasabing isa sa mga kainuman ng suspek ang nag-aya sa biktimang uminom, kung kaya’t pumasok din ito doon.

Lumalabas pa sa inisyal na imbestigayson na bigla na lamang sinaksak ng suspek ang biktima nang walang anumang dahilan.

Kaagad dinala sa ospital ang biktima, habang naaresto naman ang suspek at nasa kostodiya ngayon ng Malinao PNP para sa karampatang disposisyon.

Sa panayam naman ng Radyo Todo sa suspek, sinabi nito na sinuntok umano siya dati ng biktima kung kaya’t ilang taon na niya itong hindi pinapansin.

Subali’t kagabi, sinumbatan umano siya ng biktima dahil sa hindi nito pagpansin sa kanya, dahilan na sinaksak niya sa balikat.

Nainsulto rin umano ito sa pagpanhik ng biktima sa kanyang pamamahay na walang paalam, lalo pa’t may dati na silang alitan.

Samantala, nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Malinao PNP sa insidente, kaugnay naman sa magiging disposisyon sa posibleng kaso.

Share
Malbert Dalida

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

13 hours ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

13 hours ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

13 hours ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

4 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

6 days ago