Categories: Aklan News

Lalaki sinaksak ng kainumang bilas, biktima naospital

Naka-admit ngayon sa ospital ang isang lalaki matapos saksakin ng kanyang bilas habang sila ay nag-iinuman, dakong alas-10:00 kagabi sa Purok 1, C. Laserna St. Brgy. Poblacion, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Joshua Mirabel, 21-anyos residente ng Brgy. Tagas, Tangalan na ngayon ay kasalukuyang naninirahan sa Purok 1, C. Laserna St., Brgy. Poblacion Kalibo at ang suspek naman na si Christian Paul Ibañes, 20-anyos, residente rin ng nasabing lugar.

Napag-alaman na magbilas ang mga sangkot sa nasabing insidente.

Batay sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nag-iinuman ang mga ito habang nag-uusap ng biglang magkainitan.

Nagsuntukan umano ang dalawa pero nakakuha ang suspek na si Ibañes ng kutsilyo na ginamit nito para masaksak si Mirabel.

Nagtamo ng tama sa tagiliran ang nasabing biktima na agad ding dinala sa Aklan Provincial Hospital.

Samantala, agad namang naaresto ang suspek na hanggang ngayon ay nasa kustodiya parin ng Kalibo PNP.

Share
TMS

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

17 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

2 days ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

2 days ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

6 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

6 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

6 days ago