Connect with us

Aklan News

DALAWANG LALAKE NAGSAKSAKAN AT TAGAAN SA INUMAN

Published

on

Banga — Nauwi sa madugong away ang pag-iinuman ng dalawang lalaki alas 10:45 kagabi sa Brgy. Polo, Banga matapos saksakin ng kainuman ang isang lalaki na gumanti naman ng pananaga dito.

Kaugnay nito, kapwa isinugod sa ospital ang sina Rex Villanueva, 50 anyos, at si Reynaldo Mosqueda, 46 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.


Base sa imbestigasyon ng Banga PNP, nag-iinuman ang dalawa kagabi sa bahay ni Arnaldo Villanueva na kapatid ni Rex, nang magkaroon umano ng di pagkakaunawaan sa kanila ni Mosqueda.

Naunang sinaksak ni Mosqueda ng kutsilyo sa likod si Rex, rason na bumunot naman ito itak at tinaga sa ulo si Mosqueda.

Kaagad silang dinala sa pagamutan at patuloy na ginagamot ngayon.

Kasalukuyan pang nagsasagawa ng follow-up investigation ang Banga PNP sa insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *