Connect with us

Aklan News

LALAKI, SINAKSAK NG KAINUMAN

Published

on

sinaksak

Lezo – Sugatan ang isang lalaki matapos umanong saksakin ng kainuman bandang alas 8:00 kagabi sa Carugdog, Lezo.

Nakilala ang biktimang si Jayson Gerald Argoncillo, 26 anyos, at ang suspek na si Wilhem Tejada, 31 anyos, pawang residente ng nasabing lugar.


Sa inisyal na imbestigasyon ng Lezo PNP, magkainuman din umano mismo ang biktima sa likod-bahay ng suspek, subalit sinaksak umano ng huli ang biktima sa hindi pa matukoy na rason.

Kaagad dinala sa ospital ang biktima na nagtamo ng sugat sa kaliwang dibdib, habang tumakas ang suspek matapos ang krimen.

Samantala, sinabi naman ng Lezo PNP na nasa kustodiya na nila ngayon ang suspek matapos isuko ng mismong ama kasama si Carugdog Barangay Kagawad Dianito Martinez.

Nabatid na kagabi pa hinanap ng kanyang ama ang suspek bago niya ito natagpuang natutulog sa ilalim ng punong kahoy sa kanilang lugar.

Kaugnay nito, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Lezo PNP sa insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *