Connect with us

Aklan News

Lalaki sinaksak dahil sa umano’y selos

Published

on

By

SELOS ang nakikitang motibo ng pulisya sa nangyaring pananaksak sa isang lalaki sa bahagi ng cor. Pastrana at D. Maagma street sa bayan ng Kalibo nitong Mayo a-30.

Kinilala ang biktima na si John Mark Reprado, 23-anyos at residente ng Linabuan Sur Banga samantalang nakilala naman ang suspek na si Arris Bulanon, 26-anyos ng Mabilo, Kalibo.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Kalibo PNP, pauwi na sana sakay ng motorsiklo ang biktima at angkas nitong si Miles Telic, 24, galing sa isang bar malapit sa nasabing lugar nang bigla na lamang dumating ang suspek na si Bulanon at inundayan ng saksak ang biktima.

Nagtamo ng dalawang saksak sa may likurang bahagi ng kanyang balikat at balakang ang biktimang na kaagad namang dinala sa ospital.

Matapos ang insidente ay kumaripas ng takbo ang suspek papalayo sa lugar.

Napag-alaman na dating karelasyon ng suspek ang angkas ni Reprado na si Telis.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang hot pursuit operation ng Kalibo PNP upang matunton ang pinagtataguan ng nasabing suspek.