Connect with us

Aklan News

Lalaki sa Tapaz, Capiz tinaga sa ulo matapos sawayin ang lasing na kapitbahay

Published

on

Malubhang sugat sa ulo ang tinamo ng isang lalaki sa Brgy. Roxas, Tapaz, Capiz matapos niyang sawayin ang lasing na kapitbahay.

Kinilala sa ulat ng kapulisan ang biktima na si Lot Labetoria, 31-anyos, residente ng naturang lugar.


Naganap ang insidente alas-8:00 kagabi nang sitahin ng biktima ang suspek na si Reneboy Victor, 39, ng nasabing lugar, dahil sa pagwawala.

Nagalit umano ang suspek bagay na sinugod niya ang biktima at tinaga na tumama sa ulo.

Mabilis na tumakas ang suspek habang nakahingi naman ng saklolo ang biktima at una siyang isinugod sa District Hospital ng Tapaz.

Dahil sa malubha ang sugat ng biktima ay inirefer siya sa Western Visayas Medical Center para sa itensibong paggamot.

Samantala, patuloy namang pinaghahanap ng kapulisan ang suspek. (ulat mula kay kaTodo Ron Delecious)

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *