Connect with us

Aklan News

LALAKI, PATAY SA PANANAKSAK SA PAMPANGO, LIBACAO

Published

on

By

Isang saksak sa kili-kili ang tumapos sa buhay ng isang 48-anyos na lalaki kagabi sa Sitio Libang, Brgy. Pampango, Libacao.

Kinilala ni PCPL. Janlee Valencia ang nasawing si Manuel Imarga, residente rin ng nabanggit na lugar.

Batay sa pulisya, nag-iinuman kagabi si Imarga at ang suspek na si Rolando Masagnay, 54 anyos, sa bahay ni Podencio Zonio bago maganap ang krimen.

Sa gitna ng kanilang pag-iinuman, nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang dalawa kaya minabuti ng suspek na umuwi.

Sinundan naman siya ni Imarga at saka sinaksak sa tiyan.

Pero nagawa pa ni Masagnay na maagaw ang kutsilyo ni Imarga at sinaksak ito sa may kaliwang kili-kili dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Kasalukuyan namang nagpapagaling sa ospital si Masagnay dahil labas din ang bituka nito sa saksak na tinamo mula kay Imarga.