Connect with us

Aklan News

LALAKI, PATAY MATAPOS SAKALIN GAMIT ANG LUBID

Published

on

Lubid na ginamit ng suspek sa pagsakal sa biktima.

Batan – Sasampahan na bukas ng kasong Homicide ang suspek sa pagsakal-patay sa isang lalaki gamit ang lubid sa Sitio Ob-ob, Mandong, Batan.

Ayon sa Batan PNP, aminado naman ang suspek na si  Pedro Estevez Sucgang Jr., 27 anyos ng Mambuquiao, Batan na pinatay niya sa sakal ang biktimang si Ricardo Regil, 68 anyos ng Mandong, Batan.

Base sa imbestigasyon ng Batan PNP, magkasama rin noong nag-inuman ang dalawa sa tahanan ni Salvacion Pantoja, dahil death anniversary ng kanyang asawa,  nitong gabi ng Biyernes.

Bandang alas 8:00 ng gabing iyon nang magsiuwian na umano ang mga bisita, maliban sa biktima at suspek na naiwan at kapwa lasing.

Kinalaunan, nakita na lamang umano ang suspek na pumasok sa kusina ng bahay ni Salvacion at kumuha ng lubid at nakita na lamang ang bangkay ng biktima bandang alas 9:30 na ng gabi, doon sa bakuran.

Kaagad namang rumesponde at nagsagawa ng imbestigasyon ang Batan PNP sa lugar matapos matanggap ang impormasyon, na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek sa Sitio Tambak, Mandong, Batan.

Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Batan PNP, habang narekober din ang ginamit nitong lubid.

Samantala, sa panayam ng Radyo Todo sa suspek, iginiit nito na binato umano siya noon ng baso ng biktima, dahil sa labis na rin umano nitong kalasingan.

Aminado rin ang suspek na kumuha siya ng lubid sa kusina na ginamit nito sa pagsakal sa biktima.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *