Connect with us

Aklan News

Lalaki patay matapos malunod habang naliligo sa Aklan river

Published

on

By

LALAKING TUMAWID SA IRIGASYON, NALUNOD PATAY

PATAY ang isang lalaki matapos na malunod habang naliligo sa Aklan River sa bahagi ng Barangay Ugsod, Banga ngayong hapon

Kinilala ang biktima na si Renato La Torre Jr., 36-anyos at residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa nakuhang impormasyon ng Radyo Todo, sa ilalim ng impluwensiya ng alak ang biktima ng magdesisyong maligo sa ilog.

Ngunit sa hindi pa malamang dahilan, nagulat na lamang ang dalawa pa nitong kasama ng hindi na ito nakaahon.

Napag-alaman na ang bahagi ng nasabing ilog kung saan naligo ang biktima ay ginagawang quarry site.

Kaagad namang humingi ng tulong ang mga kasamahan nito at nakita ang katawan ng biktima sa ilalim ng tubig.

Nagsagawa pa ng CPR ang mga rescuer sa biktima at dinala sa ospital ngunit idineklarang dead in arrival.