Connect with us

Aklan News

LALAKI, NATAGPUANG PATAY

Published

on

Image|©Makato MDRRMO

Patay na nang matagpuan ang isang lalaki alas 7:30 kaninang umaga sa Sitio Tigao, Poblacion, Makato.

Nakilala ang lalaking si Eduardo Tircedo, 42 anyos ng nasabing lugar.


Sa inisyal na ulat ng Makato PNP, natagpuan na lamang ang biktima ng mismong kapitbahay na si Floreto Ubane na wala na itong buhay sa labas ng kanyang bahay.

Ayon pa sa ulat, sinabi ng kapatid ng biktima sa mga pulis na may iniinda itong sakit na Severe Tuberculosis, dahilan upang tumanggi ang kanyang pamilya na isailalim sa autopsy ang bangkay, lalo’t wala naman umanong nakitang sugat sa katawan at walang ‘foul play’ sa kanyang pagkamatay.

Kasalukuyan namang nasa isang punerarya ang labi ng nasabing biktima.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *