Connect with us

Aklan News

LALAKI, NATAGPUANG PATAY SA KANYANG KUBO

Published

on

Nabas — Patay na nang matagpuan sa kanyang kubo ang isang lalaki bandang alas 2:00 kahapon ng hapon sa Alimbo, Baybay.

Nakilala ang lalaking si Adrian Arevalo, 23 anyos ng nasabing lugar.


Base sa imbestigasyon ng Nabas PNP, natulog umano ang biktima sa kanyang kubo alas 4:00 kahapon ng madaling araw pagkagaling niya sa lamay ng kanyang kaibigan.

Bandang alas 2:00 naman kinahapunan nang gisingin siya ng kanyang pamangkin dahil hindi pa ito nakakapanghalian, subalit hindi na umano ito magising.

Kaagad namang rumesponde ang mga taga MDRRMO sa insidente, subalit matigas na umano ang katawan nito.

Ayon naman sa Nabas PNP, kumbinsido umano ang pamilya na walang foul play sa pagkamatay ng biktima, lalo pa’t wala naman umano itong sugat sa katawan.

Kasalukuyang nasa isang punerarya ang kanyang bangkay habang hinihintay ang resulta ng kanyang post mortem examination.

Samantala, sinabi umano ng biktima sa kanyang mga barkada nitong mga nakaraang araw na sumasakit ang kanyang dibdib, bagay na hindi niya sinabi sa kanyang pamilya.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *