Connect with us

Aklan News

LALAKI, NATAGPUANG PATAY SA ILALIM NG TULAY

Published

on

LALAKI, NATAGPUANG PATAY SA ILALIM NG TULAY photo

Kalibo — Patay na nang matagpuan mag-aalas 11:00 kaninang tanghali ang isang lalaki sa ilalim ng tulay sa C. Laserna St., Poblacion, Kalibo.

Nakilala ang lalaking si Rocky Mabugay, sa legal na edad, at nakikitang palabuy-laboy na sa mga lansangan sa Poblacion, Kalibo.


Base sa inisyal na imbestigasyon ng Kalibo PNP, nasa 10 araw na umanong iniinda ni Rocky ang sakit ng kanyang tiyan, dahil narin umano sa pagkahilig nitong uminom ng alak.

Sinasabing ilang araw na rin itong hindi kumakain kahit binibigyan naman ng ilang residente sa lugar.

Samantala, kumbinsido naman umano ang malapit nitong pamilya na walang foul play sa kanyang pagkamatay.

Kasalukuyang nasa isang puneraraya ang labi ng nasabing lalaki.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *