Aklan News

LALAKI, NATAGPUANG PATAY AT DUGUAN SA KANYANG BAHAY

Patay na at duguan nang matagpuan ang isang lalaki sa kanyang bahay pasado alas 11:00 kaninang tanghali Sitio Pajo, Puis, New Washington.

Nakilala ang biktimang si Jove Jon Parman Natal, 28 anyos ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng Radyo Todo, ginising ng kapatid ng kanyang katrabaho kaninang umaga ang biktima para pumasok sa trabaho sa Kalibo, subali’t hindi umano ito sumasagot.

Sa paniniwalang tulog pa ang biktima dahil nakipag-inuman siya kagabi sa kanyang mga barkada, umalis ang inutusang kapatid ng kanyang katrabaho.

Mag-isang pumasok sa trabaho ang kasama ng biktima, subali’t muli nitong inutusan ang kapatid upang sunduin ang biktima bandang alas 11:00 kaninang tanghali.

Makailang beses na itong kumatok ngunit wala pa ring sumagot kaya pumasok na ito sa bahay at doon natuklasang duguan at hindi na gumagalaw ang biktima sa kanyang higaan.

Kaagad namang ipinagbigay alam sa mga otoridad ang insidente.

Narekober sa crime scene ang isang pinutol na kahoy na may dugo.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng New Washington PNP sa insidente.

Share
Malbert Dalida

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

2 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

2 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

2 days ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

5 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

1 week ago