Connect with us

Aklan News

LALAKI, NATAGPUANG NAAGNAS NA, SA KAGUBATAN

Published

on

Malinao – Naaagnas na ang bangkay ng isang lalaki nang matagpuan mag-aalas 12:00 kaninang tanghali sa kagubatan ng Sitio Fatima Hills, Bulabod, Malinao.

Kinilala ng Malinao PNP ang bangkay na si Lauro Fernando, 55 anyos ng nasabing lugar.

Base pa sa report, natagpuan umano ni Jaime Macahilig ang bangkay sa sapang bahagi ng kagubatan habang nangangaso ito doon kanina.

Kaagad naman nitong ipinagbigay alam sa pamilya ng biktima ang natuklasan at ang pamilya naman nito ang nagsumbong sa mga pulis.

Bagama’t nagpapatuloy pa ang imbestigasyon, nabatid na walang suot na damit-pang itaas ang biktima, at mag-isa lamang ito sa kanyang bahay.

Maliban dito, tinatayang nasa 150 metro ang kanyang layo mula sa kanyang bahay nang matagpuan kanina.

Nakatakda namang isailalim sa autopsy examination ang bangkay bukas.

Advertisement

Samantala, kinumpirma naman ng Malinao PNP na walang anumang nakitang palatandaan ng krimen sa lugar kung saan nakita ang biktima.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.