Connect with us

Aklan News

LALAKI, NAKITANG PATAY SA ABANDONADONG PALAISDAAN; IMBESTIGASYON, NAGPAPATULOY

Published

on

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Batan PNP kaugnay sa nakitang bangkay ng lalaki alas 4:30 kahapon sa Magpag-ong, Batan.

Kaugnay nito, sinabi naman ng Batan PNP na may mga sugat sa dibdib, siko, paa at leeg ang biktimang si Reynaldo Tupaz, 44 anyos ng Ipil, Batan nang matagpuan itong nakasubsub sa putikan ng mga pulis.


Base pa sa imbestigasyon, unang napansin ng dalawang naghahanap ng alimango doon ang bangkay, dahilan upang kaagad ang mga ito’y nagsumbong kay Kapitan Ruby Inson ng Barangay Magpag-ong.

Samantala, kinumpirma naman ng Batan PNP sa kanilang imbestigasyon na may ilang residenteng nagsumbong sa kanila kaugnay ng narinig nilang putok ng hindi matukoy na baril nitong nakaraang Sabado ng gabi, Agosto 29 sa Barangay Ipil, bagay na patuloy pa ang imbestigasyon ng Batan PNP kaugnay dito.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *