Connect with us

Aklan News

LALAKI, NAKAGAT NG AHAS

Published

on

Photo| DRSTMH

Nakagat ng ahas ang isang lalaki sa Brgy. Dongon West, Numancia pasado alas 9:00 kagabi.

Nakilala ang biktimang si Erol Organo, 34 anyos residente ng nasabing lugar.


Base sa salaysay ng biktima pauwi na sila ng kanyang asawa galing sa trabaho sakay ng motorsiklo at dahil may kaliitan ang kalsada papunta sa kanilang bahay at may dadaanan pang irigasyon pinababa niya umano ang kanyang asawa at mag isa siyang sumakay sa motor.

Hindi rin niya umano mapatakbo ng mabilis ang motorsiklo dahil sa maliit ang daanan at kailangan Pa nyang itukod ang paa para mabalanse at hindi siya matumba.

Hindi niya umano namalayan na naipit ng gulong ng motor ang ahas at bigla siyang kinagat sa kanang paa.

Nagmarka pa ang apat na ngipin ng ahas na mga isang dipa ang haba sa paa ng biktima.

Sa ngayon patuloy na ginagamot ang biktima sa Aklan Provincial Hospital.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *