Connect with us

Aklan News

LALAKI, NAHULIHAN NG BARIL

Published

on

Kalaboso ang isang lalaki matapos umanong mahulihan ng baril kagabi sa labas ng Makato Public Market.

Kinilala ng Makato PNP ang naarestong si Joven Casipe, 29 anyos ng Poblacion, Makato.


Sa ulat ng Makato PNP, galing sa concerned citizen ang sumbong na nakitaan umano ng baril habang paikut-ikot sa nasabing merkado publiko si Casipe.

Kaagad namang rumesponde ang Makato PNP sa lugar at naaresto ang suspek.

Narekober mula sa kanya ang isang calibre .22 na baril na loaded ng 4 na bala.

Pansamantala siyang ikinustodiya sa Makato PNP Station at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions.

Sinasabing galing sa isang lamay sa likod ng Makato Public Market ang suspek bago ito naaresto ng mga otoridad.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *