Connect with us

Aklan News

Lalaki na wanted, huli matapos kumuha ng police clearance sa Kalibo, Aklan

Published

on

By

TIMBOG ang isang lalaki matapos lumabas sa kanyang record habang kumukuha ng police clearance na may warrant of arrest siya sa kasong paglabag sa RA 9162.

Kinilala ang akusado kay Joebert Nalaunan, 33-anyos at residente ng Barangay Nalook sa bayan ng Kalibo.

Kinasuhan ng paglabag sa Section 5 ng RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 si Nalaunan at may nakabinbin na arrest warrant mula sa 6th Judicial Region, Branch 3, Kalibo, Aklan na ibinaba ni Judge Bienvenido P Barrios.

Nasa P6,000 naman ang piyansang itinakda ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nahuli si Nalaunan habang kumukuha ng police clearance para magamit sana sa pag-aapply sa trabaho dahil centralize na ngayon ang mga records ng PNP sa mga nahaharap sa kaso na kung tawagin ay e-warrant.

Nasa kustodiya na ngayon ng Kalibo PNP ang akusado at nakatakdang iturn-over sa kaukulang korte./SM