Connect with us

Aklan News

LALAKI, HINAMPAS NG TUBO

Published

on

Photo:DRSTMH

Hinampas ng tubo ang isang lalaki kagabi sa Brgy. Camanci Sur, Numancia.

Nakilala ang biktimang si Joel Bernales, 42 anyos residente ng nasabing lugar.


Samantala, nakilala naman ang suspek na si Ferdinand Rano sa legal na edad at residente rin nang nabanggit na lugar.

Sa salaysay ng biktima habang sila’y nag-iinuman sa mismong labas ng kanilang bahay ng sitahin nya umano si Rano dahil napadaan ito sa lugar at may kabilisan ang pagpapatakbo nito ng kanyang motorsiklo.

Minasama umano ito ng suspek at binalikan ang biktima sa kanilang bahay bitbit ang isang tubo. Nagkaroon pa ng diskusyon sa pagitan ng dalawa ng bigla na lamang hinampas ng tubo ng suspek ang biktima sa ulo. Agad isinugod sa Aklan Provincial Hospital si Bernales para sa agarang gamutan.

Samantala agad namang naaresto si Rano ng Numancia Pnp at ngayon hinihintay na lamang ang desisyon ng biktima kung magsasampa ito ng kaso.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *