Connect with us

Aklan News

Lalaki, binugbog dahil sa pagdiskarte sa ‘jowa’ ng iba

Published

on

Kalibo, Aklan – Binugbog ang isang lalaki dahil sa pagdiskarte umano nito sa ‘jowa’ ng iba alas 2:30 kaninang madaling araw sa Osmeña Avenue, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Jeffrey Bahoy, 32 anyos, tubong Ocampo, Camarines Sur, at residente ngayon ng Polocate, Banga, habang naaresto naman ang suspek na si Norion Dela Cruz, 25 anyos ng Ambolong, Batan.


Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, sinugod ng suspek ang biktima sa kanyang pinagtatrabahuan sa isang burger stand at kinumpronta kaugnay ng pagdiskarte umano nito sa kanyang nobya.

Subalit itinanggi umano ito ng biktima, na ikinagalit naman ng suspek at doon na niya ito binugbog.

Kaagad namang may tumawag ng pulis rason na naaresto ang suspek at pansamantalang ikinustodiya sa Kalibo PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Samantala, alas 7:00 ngayong umaga nang magharap at magkaayos ang biktima at suspek na aminadong nasa impluwensiya ng alak kagabi.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *