Connect with us

Aklan News

LALAKI ARESTADO SA ILLEGAL NA PAGTRANSPORT NG KAHOY

Published

on

Nabas- Inaresto ng Nabas PNP ang isang lalaki dahil sa illegal possession at transportation ng mga kahoy kahapon ng umaga sa Pob. Nabas, Aklan.

Nakilala ang inaresto na si Alexander Duran, 39 anyos ng New Buswang, Kalibo.


Naaresto ang suspek matapos na makatanggap ng impormasyon ang Nabas PNP na merong isang Hi Ace Grandia Van sa Brgy. Gibon, Nabas na may kargang kahoy na ideliver sa bayan ng Kalibo.

Agad inabangan ng mga pulis ang nasabing sasakyan sa Pob. Nabas Kung saan ng dumaan ito ay hinanapan ng mga dokumento sa kanyang kargang kahoy.

Walang maipakitang dukomento ang suspek sa mga pulis kaya agad itong inaresto.

Narekober ang mga kahoy na karga sa nasabing sasakyan na umabot sa 142.51 board feet na nagkakahalaga ng P4,987.51

Pansamantalang ikinustodiya sa Nabas PNP station ang nasabing sasakyan na kinargahan ng mga kahoy at nakatakdang i-turn over sa opisina ng DENR.

Nakatakda namang sampahan ng kaso ngayong araw ang nasabing suspek.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *