Connect with us

Aklan News

LALAKI, ARESTADO SA ILEGAL NA SABONG

Published

on

Arestado ang isang lalaki bandang alas 5:00 kahapon ng hapon sa San Isidro, Ibajay matapos mahuli na iligal na nagsasabong.

Nakilala ang suspek na si Reynato Cea Soliman, 38 anyos ng nasabing lugar.


Sa pinagsanib na pwersa ng Ibajay PNP at Aklan PPO na nagsagawa ng anti illegal gambling operation, natiklo ang suspek at narekober ang isang manok na panabong na may nakakabit pang tari.

Pansamantalang ikinustodiya sa Ibajay PNP Station ang suspek at ang narekober na ebidensya para sa karampatang disposisyon.

Ayon pa sa Ibajay PNP, tumakbo ang suspek at nagtago sa isang bahay, subalit pinalabas umano siya ng may-ari ng bahay sa takot na baka madamay.

Sinasabing may ‘spotter’ ang mga nagpasabong kahapon, rason na mabilis na nakatakas ang karamihan sa mga suspek, at si Soliman lamang ang nahuli.