Connect with us

Aklan News

LALAKI, ARESTADO MATAPOS MAHULIHAN NG PATALIM NANG MAGPAHABOL SA MGA PULIS DAHIL SA PAGLABAG SA CURFEW

Published

on

Kalaboso ang inabot ng isang lalaki matapos umanong mahulihan ng patalim nang magpahabol sa mga pulis dahil sa paglabag nito sa curfew pasado alas 12:00 kaninang hating-gabi sa Andagao, Kalibo.

Nakilala ang suspek na si Jaylord Dela Cruz, 18 anyos ng nasabing lugar.

Base sa report, nagroronda noon ang mga pulis nang mapansin ang naglalakad na suspek.

Pinahinto umano nila ito, subali’t kaagad naman itong tumakas, dahilan na hinabol ng mga pulis.

Nang makoreber, kaagad naman itong isinailalim sa body search kung saan nakuha sa kanyang baywang ang isang patalim.

Kaagad din itong inaresto at ikinostodiya ng mga pulis habang inihahanda ang kasong paglabag sa BP 6 o Illegal Possession of Deadly Weapon na isasampa laban sa kanya.

Samantala, aminado naman ang suspek sa pagdadala nito ng patalim, bilang pangdepensa lamang lalo pa’t kinursunada at hinabol din umano ito ng ilang kalalakihan pag-uwi niya sa kanilang bahay nitong nakaraang Miyerkoles ng gabi.