Connect with us

Aklan News

Lalaki arestado matapos mabilhan ng baril sa Balete

Published

on

By

TIKLO sa isinagawang buy-bust operation ng PIU Aklan ang isang lalaki, matapos mahulihan ng homemade shotgun at mga bala sa Feliciano, Balete nitong Miyerkules.

Kinilala ang suspek na si Roberto Parohinog, 45-anyos na residente ng Bay-ang, Batan.

Ayon sa suspek, may nagdala lamang umano sa kanilang bahay ng 2 baril kasama ang 4 na bala at ipapadeliver sa kaniya sa Feliciano, Balete dahil doon nag-aantay ang bibili.

Nagkasundo umano sila na bibigyan siya ng 2 libong porsyento kaya’t pumayag ito.

Nakuha sa suspek ang 2 baril at mga bala kapalit ng P10,000 na buy bust money.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Balete PNP ang suspek na si Parohinog na mahaharap ka kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Act. l via Kiervy Revesencio

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *