Connect with us

Aklan News

Lalaki, Arestado Matapos Bantaan Ang Ina At Manlaban Sa Miyembro ng BPAT

Published

on

Arestado ang isang lalaki matapos bantaan ang kanyang nanay at manlaban sa mga miyembro ng BPAT sa Brgy. Toledo, Nabas, noong sabado 9:00 ng gabi.

Nakilala ang suspek na si John Dionisio Constantino, 45 anyos residente rin ng nasabing lugar.

Ito ay matapos humingi ng police assistance ang Punong Barangay ng lugar na si Kapitan Godofredo Dionisio pinsan rin ng suspek Nabas PNP.

Base sa imbestigasyon ng Nabas Pnp mga bandang 8:30 umiinum umano ang suspek sa kanyang kubo ng tuba.

Nang malasing na umano ito ay pumunta sa bahay ng kanyang nanay para humingi ng kape ngunit hindi binigyan ng kanyang ina.

Umalis umano ito at ng bumalik armado na ng mga itak at karit.

Nagsisi-sigaw umano ito sa labas ng bahay ng ina sabay sabing “Nay guwa kamu jan kay pamatyon ko kamu ni rafil”.

Humingi ng tulong ang kapatid nito na si Rafil sa BPAT at pagdating ng mga ito sa lugar tinangka pa umanong tagain ang isang miyembro ng BPAT, ngunit hindi ito tinamaan.

Nakuha kay Dionisio ang dalawang patalim at minabuting dalhin sa Nabas Pnp.