Aklan News

LAKAD NG BFP PERSONNELS SA BORACAY, PA DESPEDIDA KAY BFP DIRECTOR?

Despedida umano para kay outgoing Bureau of Fire and Protection Regional Director ang pagpunta ng 27 mga BFP staff sa Boracay noong isang linggo kasama si Western Visayas patient 144.

Ito ang impormasyong nakarating kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas.

Hanggang ngayon ay wala pang pahayag si BFP6 Director SSupt Roderick Aguto pati ang director ng BFP-Iloilo City ukol sa insidente.

Una rito, nabatid na kasama sa mga pumunta sa Boracay ang 26-anyos na babaeng empleyada na dapat naka-quarantine sa BFP6 quarters sa Iloilo City at naghihintay pa ng resulta ng kanyang COVID-19 test.

Isinailalaim siya sa test pagdating nito sa Iloilo nitong Hunyo 5 galing sa Cebu.

Kinumpirma ng Malay LGU na nakapunta siya sa Boracay noong June 12 at June 14 naman lumabas ang resulta ng kanyang test na positibo ito sa virus.

Nakalagay sa sinagutang port manifesto ni WV 144 sa Tabon Port na pupunta siya sa isla para sa isang conference pero ayon kay Malay Mayor Frolibar Bautista, walang nangyaring conference kundi meeting ng mga principal members ng Boracay Inter-Agency Task Force.

VIA| Aksyon Radyo Iloilo

Share
Mary Ann Solis

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo/Todo Magazine Years/background in Media works: 5 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

15 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

2 days ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

2 days ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

6 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

6 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

6 days ago