Aklan News
LABAN O BAWI: SP Aklan binawi na ang pagdeklarang ‘Persona Non Grata’ sa apat na Kongresistang author ng Bida Bill 2


BINAWI na ng Aklan Sangguniang Panlalawigan ang kanilang ipinasang resolusyon na nagdeklarang ‘Persona Non Grata’ sa apat na kongresistang author ng house Bill 1085 o Bida Bill 2.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Board Member Nemesio Neron, inihayag nito na sa kanilang special session kahapon ay tuluyan na nilang binawi ang nauna na nilang resolusyon na nagdeklarang ‘persona non grata’ sa lalawigan ng Aklan kina Congressman Luis Raymund F. Villafuerte ng 2nd District Of Camarines Sur, Congressman Tsuyoshi Anthony G. Horibata ng 1st District Of Camarines Sur, Congressman Miguel Luis R. Villafuerte ng 5th District Of Camarines Sur, at Bicol Saro Representative Congressman Nicolas C. Enciso VIII.
“Sa special session kahapon hay gin-withdraw rato nga ginpasar nga resolusyon nga unwelcome [‘persona non grata’] parte sa ap-at ngaron nga Congressman nga nag-file it House Bill pertaining to BIDA naton sa Boracay. Ginpasaeamatan man on the same time sanda sa andang pag-withdraw,” pahayag ni Neron.
Saad pa nito na pinasasalamat din nila sina 1st district representative Carlito Marquez at 2nd district representative Teodorico Haresco.
Matatandaang idineklarang ‘Persona Non Grata’ ng Aklan Sangguniang Panlalawigan ang apat na kongresista dahil sa muling pagbuhay nito sa House Bill No. 1085 o Proposing The Creation Of A Boracay Island Development Authority As A Government-Owned And Controlled Corporation (GOCC) kung saan katulad lamang ng House Bill No. 09286 na hindi ipinasa ng 18th Congress.
Tata Isan
August 10, 2022 at 12:32 pm
Hindi po Ricafuerte yung last name nung Isang tongressman, Villafuerte po iyon. Anak po Siya nung Isa pang tongressman, si LRay Villafuerte, tatay po nila yan saka nung Anak Niya na gobernador ngayon. Ito namang Hapones natongressma at party list rep ay mga puppet Ng mga Villapeste. Ang BukolSaro po ay party list na kontrolado Ng mga Villapeste.
PaBIDA na naman itong mga Villapeste, ni Hindi nga nila maayos ang probinsya ng Camarines Sur, nakikisawsaw pa sila sa ibang probinsya na higit na mas maunlad kesa sa probinsya na kontrolado nila. Yung si Horibata ay first time Congressman sa 1st District Ng CamSur samantalang itong si Miguel Luis Villafuerte ay kinatawan naman Ng 5th District habang ang kanyang amang si Luis Raymund ay kinatawan din Ng 2nd District. Ang Isang Anak nito na si Luigi naman ay kasalukuyang Gobernador. Ang ama nila na si LRay ay syang nagpapalakad Ng Kapitolyo simula pa sa unang termino ni Migz Villafuerte bilang gobernador. Dinasitya? Meron din sa CamSur niyan!