Connect with us

Aklan News

KUYA, TINAGA NG LASING NA KAPATID

Published

on

Kalibo – Sugatan sa ulo ang isang lalaki matapos umanong tagain ng mismong kapatid bandang alas 8:20 kagabi sa N. Roldan St., Poblacion, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Raquel Ranigo, 39 anyos, at ang nakababatang kapatid na suspek na si Ramises Lagon, 34 anyos, pawang residente ng nasabing lugar.


Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nagkadiskusyon umano ang dalawa sa hindi na natukoy na dahilan, subalit bigla na lamang umanong tinaga ng kapatid ang kanyang kuya sa ulo.

Nanlaban naman umano ang kanyang kuya sa pamamagitan ng pagkagat sa kaliwang braso ng kanyang kapatid, sabay tulak nito sa kanya.

Kaagad namang isinugod sa ospital ang biktima, habang naaresto ang suspek at pansamantalang nakapiit sa Kalibo PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *