Connect with us

Aklan News

KUYA TINAGA ANG KAPATID, PATAY

Published

on

Dead on the spot ang isang lalaki matapos tagain ng mismong kapatid sa Brgy.Buenafortuna, Nabas, dakong alas 9:30 kagabi.

Nakilala ang biktima na si Archiel Sabejano, 27 anyos habang nakilala naman ang suspek na mismong nakakatandang kapatid nito na si Anthony Sebejano, 30 anyos pawang residente ng nasabing lugar.


Base sa inisyal na imbestigasyon ni PSSgt. Alva imbestigador ng kaso may naganap umanong diskusyon sa pagitan ng magkapatid tungkol sa ambagan sa “Tuba” resulta ng pagkagalit ng suspek.

Nagtamo ng malalang sugat sa leeg at likod ng baywang ang biktima na agad ikinamatay nito.

Kaugnay nito, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Nabas Pnp baka maaring may malalim pang rason bakit humantong sa patayan ang insidente.

Sa ngayon patuloy Pa ang paghahanap kay Anthony na tumakas pagkatapos ng insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *